Thursday, June 2, 2016
Kape at Pandesal
Maagang nagising si Jane dahil sa narinig niyang tunog dulot ng nagbebenta ng pandesal kaya agad itong nagising at lumabas para bumili. Maaga siyang nagkape at kumain ng pandesal at pumwesto siya sa maliit ng veranda ng kanyang bahay. Habang nagkakape, nakita niya ang kanyang kapitbahay na si Mama na hinalikan at niyakap ang kanyang asawa na kamakailan lang ay narinig niyang nag-aaway.
Pagkatapos niyang magkape ay naglinis siya sa bagong bahay. Mayat maya ay may kumatok.
Tok! Tok! Tok!
Pinuntahan ito at pinagbuksan ng pinto.
Mama: Hi!
Jane: Oh hello!
Mama: May narinig ka bang ingay kagabi?
Jane: Anong ingay? (kunwari pa si Jane)
Mama: Ay wala yun! Si mister kasi masyadong pilyo.
Jane: Aaaah! Halika po Mama, pasok ka.
Mama: Maiba ako. Alam mo bang matalik na kaibigan ko ang dating may-ari ng bahay na ito?
Jane: Si Aling Susan po ba yun?
Mama: Oo!
Mayat maya ay nagtext ang binatang anak ni Mama at pinapauwi siya.
Mama: Jane iha, pasensiya ka na ha kasi nagtext ang anak ko may emergency daw.
Jane: Sige lang po Mama.
Gumaan ang pakiramdam ni Jane dahil umalis na si Mama at maitutuloy niya ang kanyang paglilinis ng kanyang bahay.
Pagkalipas ng ilang oras ay dinalaw siya ni Kapitan Reynaldo.
Kapitan Reynaldo: Tao po! Miss Jane???
Jane: Oh kapitan, napadalaw po kayo.
Kapitan Reynaldo: Balak ko po sanang imbitahin kayo sa birthday ng anak ko.
Jane: Kailan po yan?
Kapitan Reynaldo: Mamayang hapon na po yan, alas-4.
Jane: Ok sige po. Salamat po kapitan.
Kapitan Reynaldo: Aasahan ka po namin.
Maagang dumating si Jane sa bahay ng kapitan. Nahiya siyang pumasok dahil halos lahat ng mga tao doon ay nakatingin sa kanya kaya nag-alangan siyang pumasok hanggang sa makita siya ni kapitan Reynaldo.
Kapitan Reynaldo: Miss Jane! Mabuti naman po at nakarating kayo. Pasok po kayo!
Pinapasok niya si Miss Jane sa kanilang bahay. Nabigla siya dahil kakaiba ang bahay ng kapitan kaya tinanong niya ito.
Jane: Kapitan ang ganda naman ng bahay niyo, punk na punk.
Kapitan Reynaldo: Salamat po miss Jane, inspired yan sa bagong henerasyon ngayon.
Isa pang napansin ni Jane ay halos walang lasa ang mga pagkain na pinakain sa kanya at hindi na niya pinansin ito.
Pagkatapos niyang kumain doon ay nagpaalam na siya sa kapitan at nagpasalamat naman ito. Mabilis na nakarating si Jane sa kanyang bahay at nagtimpla siya ng kape. Halos hindi siya nakakain sa bahay nila kapitan dahil halos walang lasa ang mga handa nito. Laking swerte ni Jane dahil may natira pang pandesal sa lamesa na binili niya sa umaga.
Kinabukasan, agad na itong nagtimpla ng kape at nagtungo sa veranda upang abangan ang lalaking nagbebenta ng pandesal.
Pot! Pot!
Jane: Pandesal! Boy!
Boy: Magkano po ate?
Jane: 20 pesos.
Boy: Ate bago lang po ba kayo dito?
Jane: Oo! Bakit?
Boy: May napapansin po ba kayo sa mga paligid niyo o kapitbahay niyo?
Jane: Ha!? Ano ang ibig mong sabihin?
Mayat maya ay sumabat ang Kapitan dahil napadaan ito at maaga din itong nagigising.
Kapitan Reynaldo: May problema po ba dito?
Boy: Magandang umaga po kapitan!
Sa takot ng bata ay inabutan niya ng pandesal ang kapitan.
Kapitan Reynaldo: Salamat na lang boy. Good morning po miss Jane.
Jane: Good morning po kapitan.
Agad na umalis ang bata at ipinagpatuloy ang pagbebenta ng pandesal samantala, naiwan si Jane na mukhang tuliro. Nagpaalam na din ang kapitan matapos niyang makitang nakalayo na ang bata.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment