Tuesday, May 31, 2016

Ingay sa Gabi


     Maghahapon na biglang nagutom si Jane kaya pumunta siya sa isang malapit na kainan sa kanyang bagong nilipatang barangay. 

Tindera: Halika miss, kain ka?

Jane: Ha!? Hindi po, mag-aapply sana po akong waitress baka kasi kailangan niyo po ng isa.

Tindera: Aba! Loko to ah! Napakapilosopo.

Mang Win: You're hired! What is your name?

Tindera: Tumahimik ka nga diyan Darwin kung ayaw mong dagukan kita ng sandok!

Jane: Siyempre kakain po ako.

Mang Win: May I take your order maam? I am your waiter for today.

     Natuwa si Jane sa pagkabibo ni Mang Darwin.

Jane: Isang pork nilaga at rice po.

Mang Win: ...and your drinks maam?

Jane: Ice tea na lang po/

Mang Win: Coming up.

     Mayat maya ay dumating na ang order ni Jane.

Mang Win: Here's your order maam. Enjoy your meal!

Jane: Salamat po Mang?

Mang Win: Mang Win na lang short for Darwin. Bago ka lang ata dito iha?

Jane: Ako po si Jane. Opo! Kalilipat ko lang po kanina.

Mang Win: Welcome to Barangay San Andres Miss Jane!

Jane: Salamat po Mang Win.

     Habang kumakain ng hapunan si Jane, may mga grupo ng kalalakihan ang nagsidatingan at umorder ang mga ito ng inumin at pulutan. Isa sa mga grupo ang nakapansin kay Jane kaya nilapitan niya ito.

Tambay: Hi Miss!

     Hindi siya pinansin ni Jane kaya naman ay hinablot niya ang plato nito at inihagis sa malayo.

Tambay: Kinakausap kita miss, napakabastos naman ata kapag hindi ka sumagot.

Mang Win: Hoy!

     Sa sigaw ni Mang Win sa tambay na nambastos kay Jane, nagsitayuan ang grupo at tumingi kay Mang Win ng masama. Sa takot ni Mang Win ay nagpalusot na lamang ito.

Mang Win: Hoy! Bakit yung plato lang? Isinaman mo din sana yung baso.

     Bago pa magkagulo ay dumating na si kapitan kasama ang kanyang mga tanod.

Kapitan Reynaldo: Anong ingay itong naririnig ko? 

Jane: Kapitan! Buti dumating kayo! Habang kumakain po ako, nilapitan po ako ng mukhang kahoy na lalaking iyan at tinapon ang kinakain ko.

     Pagtingin ni kapitan sa mga grupo ng kalalakihang balak manggulo sa kainang iyon, napag-alaman niya na dayo din pala ang mga ito.

Kapitan Reynaldo: Pumunta kayo sa tahimik na barangay na ito, tapos mambabastos kayo ng babae. Hindi naman ata tamang asal ng lalaki iyon.

Tambay:Pasensiya na po kapitan, lasing lang po kasi kami at hindi namin napansin na nakarating pala kami dito sa San Andres.

Mang Win: Po+ang ina pala nito eh! Kanina lang sisiga-siga. (sabay binatukan isa-isa ang mga grupo ng kalalakihan)

Kapitan Reynaldo: Sige, dalhin yan sa mobile at ikulong sa barangay hall hanggang bukas.

     Laking pasasalamat naman ni Jane sa agarang pagresponde ni kapitan Reynaldo.

Jane: Maraming salamat po kapitan.

Kapitan Reynaldo: Walang anuman miss, sabi ko naman sa'yo tahimik at mapayapa ang lugar na ito. Next time na gusto mong kumain, pumunta ka sa bahay ko at dun ka na lang kumain.

     Narinig naman ni Mang Win ang usapan na iyon akay nagpabida din ito.

Mang Win: O kaya miss Jane dito ka na lang kumain.

     Agad naman siyang siniko ng kanyang asawang si Lucy.

     Tahimik at ligtas na nakarating si Jane sa kanyang bagong bahay. Magpapahinga na sana ito nang makarinig ng ingay. Narinig niyang nag-aaway ang kanyang kapitbahay-si Mama at ang kanyang asawa. Sumilip siya sa bintana at nakita niyang pinagtatapon ni Mama ang mga gamit ng kanyang mister sa labas ng kanilang bahay. Naririnig niya na parang may babae daw ang kanyang mister kaya nagalit si Mama. 

     Hinayaan niya lang ang ingay na iyon ngunit mayat maya ay may panibago nanamang ingay siyang narinig. Sumilip sa kabilang bintana at narinig niyang may lasing na nagwawala sa bakanteng lote. Naririnig niyang parang sawi sa pag-ibig ang lalaking iyon. Ganun pa man ay nagpatuloy siya sa pagpapahinga at hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya at nagising siya sa ingay ng tunog na dulot ng nagbebenta ng pandesal.

Jane: Ha!? Ano ba iyon?

     Lumabas siya at nakita niyang may nagbebenta ng mainit na pandesal kaya tinawag niya ito at siya ay namili. Pagkatapos ay nagtimpla siya ng kape.

     Nakita niya ang kanyang kapitbahay na si Mama, halik-halik ang kanyang mister habang nagpapaalam itong pumasok sa kanyang trabaho.

Jane: Ha!?

No comments:

Post a Comment