Sa isang malayong lugar sa katimugan ng Pilipinas, may isang barangay na ubod ng tahimik at linis, ito ang Banrangay San Andres.
Sa barangay na ito napadpad ang isang dalagang lumaki sa siyudad ngunit piniling manirahan sa isang tahimik na lugar. Sa tagal niyang tumira dito, unti-unting nalilinawan siya sa taglay na misteryong nakabalot sa lugar na iyon.
Hindi siya makapaniwala na sa lahat ng mga magagandang naririnig at nababalitaan niya sa mga ka-trabaho niya sa siyudad ay kabaliktaran pala ng kanyang nararanasan at nakikita simula nang lumipat siya sa barangay na iyon.
Dito magsisimula ang takbo ng kwento ni Jane, 26 taon gulang. Lumaki sa siyudad at kailanman hindi pinangarap niyang tumira sa isang tahimik na lugar. taong 2013 nang lumipat siya sa San Andress.
Pagbaba niya sakay ng isang taxi na narentahan niya mula sa kalapit bayan ay sinalubong siya ng kanilang kapitan.
Kapitan Reynaldo: Maganda umaga po Ms. Jiminez. Welcome po dito sa Barangay San Andres! Ako po nga pala si...
Jane: Thank you! Pakikuha na lang po yung mga bagahe ko at kailangan kong makita ang bago kong bahay!
Napahiya si kapitan dahil ang akala siguro ni Jane ay isa siyang kargador dahil sa suot niya. Galing kasi siya sa Oplan Kalinisan kaya medyo madumi siya nang salubungin si Ms. Jimenez.
Kapitan Reynaldo: Mukhang namali po ata kayo ng pagkakakilala sa akin Ms. Jiminez, ako po ang kapitan ng barangay na ito.
Jane: Maraming salamat at pwedeng pakibaba na lang dito yang mga bagahe ko.
Mukhang hindi pa rin malinaw kay Jane na ang kanyang kausap ay ang kaniyang Barangay Captain. Ganun pa man ay magalang pa ring sinunod ni Reynaldo ang mga inutos ni Jane.
Jane: Wow! Totoo nga ang mga sinabi ng mga kaibigan ko na sadyang maganda, tahimik at malinis dito sa San Andres. Pati ba naman bahay na ito ay ubod na ganda at mura pa!
Narinig ng dating may-ari ng bahay ang ingay at boses ni Jane kaya lumabas ito.
Aling Susan: Welcome po to San Andres Ms. Jiminez. Kanina pa ako naghihintay sa inyo at ito nga po pala ang susi ng bago niyong bahay.
Jane: Maraming salamat po ate Susan.
Pumasok siya sa bagong biling bahay at tinignan ito. Nauna niyang tinignan ang banyo-check! Kuwarto-check! Kusina-check! Sala-check! Hindi siya nagkamali sa pagbili ng bahay na iyon.
Mayat maya ay narinig siyang may kumakatok.
Tok! Tok! Tok!
Pinuntahan niya ito at binuksan.
Kapitbahay: Welcome to Barangay San Andres. Ikaw ang bago naming kapitbahay.
Jane: Salamat sa pag welcome sa akin. Masaya naman po ako at nakalipat na ako sa tahimik na lugar na ito.
Kapitbahay: Hindi ka magsisisi. Ako nga pala si Carmen Mamaril at tawag nila sa akin "Mama" galing sa apelyido ko.
Jane: Ako po si Jane Jiminez. Nice to meet you po.
Kapitbahay: Likewise. Sige magpahinga ka na at galing ka pa sa mahabang biyahe. Kung may problema ka o gusto mo ng tulong, diyan lang ang aking bahay (sabay turo sa bahay).
Jane: Maraming salamat Mama.
Pumunta siya sa sala at umupo sa may sofa. Mayat maya ay may kumatok nanaman.
Tok! Tok! Tok!
Jane: Hello po!
Kapitan Reynaldo: Ms. Jiminez welcome po dito sa Barangay San Andres inulit ko lang po.
Jane: Ha!? Sino po sila?
Kapitan Reynaldo: Uhm...ako po yung sumalubong sa inyo kanina pagbaba niyo ng taxi. Ako po ang kapitan ng barangay na ito.
Jane: Ah! Kayo po yung mukhang kargador at alalay kanina, gusgusin kasi kayo kanina kaya di ko ho agad napansin. Pasensiya na po.
Kapitan Reynaldo: Humingi ka nga ng tawad, nilait mo naman ako (bulong).
Jane: May sinasabi po kayo?
Kapitan Reynaldo: Ay wala po. Kung ma problema po kayo o kailangan niyo ng tulong, just call me.
Jane Sige po kapitan.
Matapos nilang mag-usap ni kapitan ay may nakita siyang isang lalaki. Mukhang may itsura ngunit nangongolekta siya ng basura. Tumingin din ang lalaki sa kanya at ngumiti ito. Wala siya isinumbat at tumalikod na siya sabay sara ng pinto.
No comments:
Post a Comment