Saturday, June 4, 2016

Anong Meron?


     Nababagabag si Jane sa sinabi ng bata kaya tinawagan ang kaibigan na nag-refer sa kanya na lumipat na lang at manirahan sa Barangay San Andres.

Ring! Ring!

Tina: Yes hello Jane! Musta na diyan sa San Andres?

Jane: Ok naman Tina...

Tina: Pero?

Jane: Pero parang ang weird ng mga tao dito. SObra nga silang masaya pero nung kahapon, naimbitahan ako ng kapitan na pumunta sa bahay nila. Iyong bahay nila eh ibang klase parang may kulto siyang kinabibilangan, tapos yung pagkain walang lasa.

Tina: Si kapitan Reynaldo ba kamo?

Jane: Oo!

Tina: May sakit kasi sa bato yan kaya hindi siya masyadong naglalagay ng panlasa sa kanyang pagkain. Bawal ang asin sa kanya.

Jane: Ah sige salamat Tina.

Tina: No problem friend.

Jane: Bye!

     Gumaan ang pakiramdam ni Jane matapos niyang marinig ang paliwanag ng kaibigan at dating katrabahong si Tina.

     Matapos niyang makausap ang kaibigan ay lumabas si Jane para mamasyal. Nagmasid masid siya sa paligid at may lumapit sa kanyang lalaki.

Mat: Miss, bago ka lang dito noh?

Jane: Oo!

Mat: Ako nga pala si Mat.

Jane: Ako naman si Jane. Nice meeting you!

Mat: Kamusta naman ang paglipat mo dito sa barangay?

Jane: Ha!? Ok naman. Ano bang meron?

Mat: Ano ba nakikita mo?

Jane: Para kasing kakaiba dito eh!

Mat: Alam mo, napapansin ko din yan eh!

Jane: Oh talaga?

     Ang inaakala ni Jane ay alam din ni Mat ang kanyang napapansin sa San Andres.

Mat: May kakaiba talaga dito, diba ang tahimik?

Jane: Ah oo. Matagal ka na ba dito?

Mat: Oo, mag isang taon na din.

Jane: Ah. Kamusta naman?

Mat: Noong una medyo mahirap kasi medyo maaangas mga taga rito pero nangkalaunan eh medyo ok naman na.

Jane: May napapansin ka ba sa kapitan dito?

Mat: Wala! Ano bang meron?

Jane: Para kasing ang weird eh!

Mat: Hahaha!

     Biglang naputol ang usapan nila nang dumating ang kapitan.

Kapitan Reynaldo: Anong meron dito?

Mat: Kapitan, wala naman po.

Jane: Magpapaalam na po ako.

Kapitan Reynaldo: Oh kakarating ko lang miss Jane aalis ka na agad!?

Jane: Magluluto pa kasi ako.

Kapitan Reynaldo: Bakit di ka na lang sa bahay kumain?

Jane: Ha!?

Mat: Kaya nga naman miss Jane. Ako po kapitan pwede ba ako makikain dun sa inyo?

Kapitan Reynaldo: Oo naman, tara!

     Nagkayayaan silang kumain sa bahay ng kapitan kaya walang nagawa si Jane kaya pumayag na din ito.

     Habang kumakain ay napansin ng kapitan na kunti lang kinakain ni Jane.

Kapitan Reynaldo: Huwag kang mahiya miss Jane kain ka lang.

Jane: May asin po ba kayo?

     Nagulat sina Reynaldo at Mat.

Mat: May sakit kasi sa bato itong si kapitan kaya ganyan ang mga pagkain halos walang lasa, bland ika nga.

Jane: Ah pasencya na po kayo.

     Pagkatapos kumain ni Jane ay nagpasalamat ito sa alok ng kapitan na mananghalian sa bahay nito. Matapos niyang kumain kila Reynaldo ay nagtungo ito sa bayan upang mamalengke. Nauna siyang nagtungo sa mga rekado at unang dinampot ang asin. Nakita naman siya ng batang nagtitinda ng pandesal.

Boy: Sinasabi nilang maganda daw po ang asin na panlaban sa aswang at ibang elemento.

Jane: Ha!? Masyado kang nagpapaniwala sa mga kwentong matatanda.

Boy: Ate, nakita niyo na po bang nagpapahinga ang kapitan? Nasubukan niyo na din po bang kumain sa bahay nila at napansin na halos walang lasa ang mga pagkain?

     Nabigla si Jane sa sinabi ng bata.

Jane: Paano mo nalaman yun?

     Hinila ng isang babae ang bata.

Jane: Sandali lang po ate kinakausap ko pa ang anak niyo.

Ale: Habang may oras ka pa iha, umalis ka na sa San Andres.

Jane: Ano po bang meron?


No comments:

Post a Comment