Inulit ni Jane ang tanong sa ina ng batang nagtitinda ng pandesal sa San Andres.
Jane: Ate, ano po bang meron sa San Andres at sa kapitan doon?
Nanay ng bata: Hindi dito ang tamang lugar para pag-usapan natin yan. Sumama ka sa akin.
Jane: Ha!?
Natatakot si Jane kaya hindi siya agad pumayag sa sinabi ng ale ngunit kinumbinse siya ng bata.
Bata: Sige na po ate, magtiwala po kayo sa nanay ko.
Sumama si Jane sa ale at dinala niya ito sa kanilang bahay, kalapit ng Barangay San Andres.
Nanay ng bata: Iha, ako nga pala si Remedios at ito ang aking anak na si Robert.
Jane: Ako po si Jane, ikinagagalak ko po kayong makilala.
Matapos silang magpakilala sa isat isa ay tumingin si Jane sa paligid ng bahay ni Remedios at napansin niya ang mga nakakabit sa kanilang dingding.
Jane: Ate Remedios bakit punong puno po ng krus ang bahay niyo?
Remedios: Pangontra sa mga masasamang elemto iyan iha at lalong lalo na sa mga aswang.
Jane: May mga aswang pa po ba sa panahon ngayon?
Sumabat ang anak ni Remedios na si Robert.
Robert: Si Kapitan Reynaldo po ate.
Remedios: Roberto! (suway ni Remedios saanak)
Jane: Kung aswang siya, palagi kang nagtitinda ng pandesal doon araw-araw. Bakit walang nangyayari sayong masama?
Remedios: Ang pandesal po na tinitinda ng anak ko ay may sahog na asin. Isa pa, dahil sa kwentas niya na nabili pa namin sa Manaoag. Mabisa daw itong panlaban sa aswang.
Jane: Bakit naman po naging aswang ang kapitan?
Remedios: Bata pa ako nakikita ko na si Reynaldo. Nagbago na ang San Andres at ang mga paligid nito ngunit si kapitan ay hindi. Sa tingin mo, ilang taon na si kapitan?
Jane:45?
Remedios: 45 gulang taon na ako, bata pa ako naabutan ko na siya at mula noon hanggang ngayon ganyan pa rin ang itsura niya.
Jane: Hehe. Hindi naman po atang sapat na basehan yun na isa siyang aswang. Malay niyo po, umiinom siya ng mga anti-aging products, uso po yun ngayon.
Remedios: Nadalaw ka na ba sa bahay niya? Nakatikim ka na ba ng mga pagkain nila? Kailan mo nakitang natulog yan?
Jane: Ate, hindi pa rin sapat na basehan yun.
Remedios: Dumalaw ka minsan sa isang kainan sa San Andres, Darwin ang pangalan ng may-ari doon. isa siya sa saksi na aswang nga si kapitan Reynaldo.
Jane: Si Mang Win?
Remedios: Oo iha. Mas maganda, lumayo ka na lang sa San Andres.
Jane: Pero ang mahal ng pagkakabili ko ng bahay ate.
Remedios: Bahay o buhay?
Matapos niyang mapakinggan ang mga kwento ni Remedios ay umuwi na ito. Pagdating pa lang sa San Andres ay sinalubong na siya agadng kapitan.
Kapitan Reynaldo: Saan ka nanggaling iha?
Jane: Namalengke lang po kapitan.
Kapitan Reynaldo: Mabuti yan. Ano naman ang mga pinamili mo?
Ipinakita ni Jane ang asin na nabili sa palengke malapit sa San Andres.
Jane: Mga rekado lang po kapitan.
Kapitan Reynaldo: Naku! Alam mo naman na takot ako sa asin dahil sa sakit ko sa bato. Sige iha, maiwan muna kita diyan.
Nagtaka si Jane dahil mukhang tama ata ang mga nasabi sa kanya ng mag-ina. Kinatatakutan nga ng aswang ang asin.
Matapos niyang maayos ang mga nabili ay nagtungo ito sa karenderya ni Mang Win.
Mang Win: Good morning miss beautiful!
Jane: Itong si Mang Win talaga oh, mapagbiro.
Mang Win: What can I do for you?
Jane: Hindi po ako kakain,nandito po ako upang magtanong kung ano po meron kay Kapitan Reynaldo?
Mukhang nawala ang sigla ni Mang Win at dumistansiya ito kay Jane.
Mang Win: Anong klaseng tanong yan?
Tanong ni Mang Win kay Jan habang makakakitaan siya ng panginginig.
Mang Win: Mabuti pa iha, umuwi ka na lang at magsasara na kami.
Lalong nagulat si Mang Win nang makita siya ng kapitan.
Kapitan Reynaldo: Oh Darwin,ang aga naman para magsara ka!?
Mang Win: Uhm...masama kasi pakiramdam ko kapitan.
Kapitan Reynaldo: Mukhang ok naman si Dolce ah! Siya na lang muna magbantay nito.
Dolce: Ano bang nangyari sa iyo Darwin? Ayos ka pa naman kanina, dumating lang si Jane eh bigla ka ng nakaramdam ng sakit.
Mang Win: Anong pinagsasabi mo Dolce, kanina pang masakit ang tiyan ko.
Kapitan Reynaldo: Kung ganyan eh dalhin na kita sa clinic.
Mang Win: Huwag na kapitan, May mga gamot naman ako dito sa bahay.
Sumabat si Jane.
Jane: Kaya nga po Mang Win, sasamahan ko po kayo sa clinic.
Kapitan Reynaldo: Oh ayan! Tara na!
No comments:
Post a Comment