Si Darwin Buenaventura o kilala sa tawag na Mang Win ay isang relihiyosong tao at mapagmahal na asawa. Sa San Andres na din siya lumaki at nagkaroon ng asawa. Matagal na siyang kasal kay aling Dolce Cruz at kailanman ay hindi sila biniyayaan ng anak hindi dahil isa sa kanila ay baog kundi sa kaalaman ni Mang Win at sa takot na mamamatay din ito.
Sa tagal na ni Mang Win sa barangay ay alam niya na kung sino ang mga dapat lapitan at maaasahan sa lugar na iyon. Alam niya din kung ano ang lihim na itinatago ng barangay at ibinaon ang lihim na ito sa hukay.
Taong 2008 nang masaksihan niyang may kakaiba kay kapitan Reynaldo. Nakita niya itong nagbagong anyo kaya naman ay sinundan niya ito hanggang sa atakihin nito ang isang lalaking bagong lipat pa lang sa barangay. Nakita ito ng dalawang mata ni Mang Win at sa takot ay napatakbo itong umuwi sa kanilang bahay.
Mang Win: Dolce! Pagbuksan mo ako ng pinto bilis!
Dolce: Hay naku Darwin, saan ka nanaman galing at talagang abutin ka pa ng madaling araw kung umuwi.
Pinagbuksan ni Dolce si Mang Win at nagtaka ito sa kanyang nakita sa asawa.
Dolce: Oh saan ka galing at mukhang pawis na pawis ka?
Hindi agad sinagot ni Mang Win ang tanong ng asawa at makakakitaan pa lang siya ng nginig at mga butil na pawis sa kanyang mukha.
Dolce: Hoy Darwin! Anong nangyari sa iyo at mukhang nakakita ka ng multo?
Dahan-dahang siyang lumingon kay Dolce habang tuluyan pa siyang nanginginig.
Mang Win: May aswang!
Dolce: Aswang? Hahaha! Lakas pa ata tama mo Darwin. Hahaha!
Mayat-maya ay may kumatok sa kanilang pinto. Pinuntahan ito ni Dolce habang malakas pa rin itong tumatawa.
Dolce: Aswang daw, hahaha!
Kapitan Reynaldo: Magandang gabi Dolce!
Dolce: Magandang madaling araw, umaga gabi kapitan.
Natakot lalo si Mang Win kaya naman ay agad itong tumakbo papunta ng kusina at kumuha ng asin.
Dolce: Napadalaw po kayo kapitan sa disoras na ito?
Kapitan Reynaldo: Nagroronda po kasi kami dahil may natagpuan pong patay sa Sitio Kasipagan.
Dolce: Ha!? Kilala niyo po ba kung sino po yung pinatay?
Kapitan Reynaldo: Ang bagong lipat na si Aldrin Bautista.
Dolce: Naku! Kabait pa naman ng batang iyon.
Tahimik namang nakikinig si Darwin sa kanilang usapan hanggang sa magpaalam na ang kapitan. Binalikan naman ni DOlce ang kanyang asawa.
Dolce: Ikaw naman Darwin, sa halip na magbanggit ka ng aswang, maligo ka muna para matanggal yang tama mo.
Mang Win:Aswang ang kapitan! Siya ang pumatay kay Aldrin.
Dolce: Ganon ba!? Sige, maligo ka muna para mawala yang tama mo. Hahaha!
Sa takot na iyon ni Mang Win ang siyang naging dahilan ng pagpapatayo niya ng karinderya upang sagana sila sa asin na sa kanyang kaalaman ay mabisang pangontra sa mga aswang. Ibinaon din ito ang memoryang iyon hanggang sa taong ito, binanggit ng bagong lipat na si Jane sa kanya.
Kasalukuyan:
Kapitan Reynaldo: Kung ganyan eh dalhin na kita sa clinic.
Mang Win: Huwag na kapitan, may mga gamot naman ako dito sa bahay.
Jane: Kaya nga po Mang Win, sasamahan ko po kayo sa clinic.
Kapitan Reynaldo: Oh ayan! Tara na!
Mang Win: Kapag sinabi kong ayos lang ako, please awat na! (galit na sagot ni Mang Win)
Pumasok ito sa kanilang bahay at agad na niyakap ang isang malaking krus na nakalagay sa kanilang sala.
Mang Win: Oh Diyos ko, gabayan mo po kami. Bakit binabalikan ako ng alaalang iyon.
Takot at pangamba ang nararamdaman ni Mang Darwin.
No comments:
Post a Comment