Monday, June 13, 2016
Panaginip
Matapos makipag-usap si Jane kay Mang Darwin ay bumalik na ito sa kanyang tirahan upang magpahinga. Bigla siyang kinabahan, bumilis ang tibok ng kanyang puso at halos nahirapan na siyang huminga kaya agad siyang bumangon. Nagtungo siya sa kusina upang uminom ng tubig dahil halos matuyo ang kanyang lalamunan.
Mayat maya ay sumakit ang kanyang ulo, at nagflashback sa kanya ang isang lugar na kuwartong bakante at may isang upuan. Naghanap siya ng gamot para sa sakit ng kanyang ulo at nakakita nga siya at agad namang ininom ito.
Nawala din ang kanyang nararamdaman. Bago siya bumalik sa kanyang kama ay dumungaw muna siya sa bintana. Nakita nanaman niya ang isang lalaking naghahakot ng basura. HIndi na niya pinansin ito at dumiretso na siya sa kanyang kuwarto upang ipagpatuloy ang naudlot niyang tulog.
Sa kanyang tulog, nagpatuloy ang kanyang nakikitang isang bakanteng silid na may isang upuan. Sa panaginip na iyon ay nagdahan-dahan siyang lumapit sa silid na iyon. Habang papalapit ay kumikipot ang daan. Sa kanyang takot, nagtatatakbo ito palabas ng kuwarto. Siya ay takot na takot sa kanyang nakita kaya binilisan pa lalo nito ang pagtakbo palabas ng kuwarto hanggang sa nagising siya dahil sa isang malaks na katok ng pintuan.
Tok! Tok! Tok!
Bumangon siyang pagod na pagod sa kanyang napanaginipan. Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig ngunit patuloy pa rin ang pagkatok sa pinto.
Tok! Tok! Tok!
Jane: Sandali lang po! Parating na po!
Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang dalawang lalaking nakasuot ng puti.
Lalaki 1: Magandang umaga po maam! Napag-alaman naming kayo po ang bagong residente dito sa San Andres at narito po kami upang kumustahin kayo.
Jane: Magandang umaga din po! Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?
Lalaki 2: Wala naman po maam, kakamustahin lang po kayo kung kumusta ang bago niyong tirahan?
Jane: Well, mabuti naman po pero ang pinagtataka ko ay ang mga naririnig kong usap usapan na may kakaiba sa kapitan sa barangay na ito.
Lakaki 1: Alam mo niyo po maam, wala naman po talagang...
Sinuway ng isang lalaki ang tugon ng kanyang kasama.
Lalaki 2: Psst. Ituloy niyo po maam.
Jane: Basta may kakaiba sa kanya, walang disenyo ang kanyang bahay, napaka plain, wlang lasa ang mga pagkain, at tila halos lahat sinasabing isa siyang aswang.
Lalaki 1: Ah ok po maam, salamat po sa oras niyo at aalis na po kami dahil may aasikasuhin pa kami. Babalik na lang po kami next week.
Jane: Ha!? HIndi tapos ang kuwento ko.
Nagpaalam na ang dalawang lalaki at habang hinahatid nito palabas ng pinto ay nakita niyang pinagmamasdan pala siya ng kanyang kapitbahay na si Mama.
Jane: Good morning po mama!
Lumapit naman si Mama sa kanya.
Mama: Alam mo, may kakaiba sa dalawang lalaking iyan?
Jane: Ano po?
Mama: Basta duda ako diyan. Sige maiwan na kita at may gagawin pa ako sa bahay.
Jane: Ah sige po Mama.
Bago siya pumasok sa kanyang kuwarto ay may nadinig siyang boses, tila boses ng ale na sinasabing aswang ang kapitan. Bigla siyang tumakbo sa kanyang kuwarto at nagkulong habang takip takip ang dalawang tenga nito. Habang nasa sulok ay binalikan siya ng kanyang panaginip na isang kuwarto na may iisang silya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment