Tuesday, July 5, 2016

Seclusion


     Nagpanic si Jane sa pagdating ng doctor sa kanyang bahay sa halip na isa sanang pari. Nagalit siya sa doctor at ipinagtabuyan niya ito. Nakita naman siya ng kanyang mga magulang habang ipinagtatabuyan niya ang doctor.

Jane: Go away! I don't need you!

    Sobrang dismayado si Jane sa pangyayari kaya wala nang magawa ang doctor kundi tawagin ang mga orderly.

Doctor: Orderlies, pakihawakan niyo si Miss Jane.

     Habang papalapit ang mga orderlies ay nanlaban si Jane.

Jane: Ano tingin niyo sa akin, nababaliw na? Dahil ba sa sinasabi kong nakikita kong aswang?

     Habang pilit siyang pigilan ng mga orderly ay nakita niya si Kapitan Reynaldo sa likod ng doctor.

Jane: Ayan oh! Yan ba ang sinasabi niyong nababaliw ako? Siya ang aswang! Ang kapitan ng barangay na ito.

     Tumingin ang doctos sa kanyang likuran ngunit wala siyang nakita.

Doctor: Wala akong nakikita sa aking likuran miss Jane.

Jane: Nandiyan lang siya, nakatitig lang siya sa akin! Please doc, how come na hindi niyo siya nakikita?

     Mayat maya ay nakita niya ang kapitan na nakangiti.

Jane: Hahaha! Masaya ka na? Ako lang ang nakakakita sa iyo? Papatayin kitang aswang ka!

     Napigilan din siya ng mga orderly at ipinaliban ng doctor ang pagiinject sana ng pampakalma kay Jane dahil kusa na siyang kumalma.

     Habang nasa labas naman ang mga magulang ni Jane na nakita ang lahat ng pangyayari. Sa kanyang nasaksihan ay naawa ang kanyang ina sa sinapit ng kanilang anak, wala siyang ibang magawa kundi umiyak at niyakap ang kanyang asawa ng mahigpit.

Mama Jackie:Magiging ayos pa kaya ang ating anak?

Papa Dom: Matapang na bata si Jane, lalabanan niya ito, kakayanin niya ito.

     Dahil sa naging ugali niya, inilagay si Jane sa isang kuwartong bakante at may malawak na ispasyo. Inilagay siya sa isang lugar na kanyang napanaginipan.

     Dahil sa nangyari, nilapitan ng mag-asawa ang doctor upang tanungin kung may magagawa pa sa kanilang anak.

Mama Jackie: Doc, ano po sa tingin niyo kay Jane?

Doctor: She is having delusions and hallucinations maam. medyo mahihirapan tayong ilagay siya sa reality pero we are trying our best para makabalik siya sa katinuan.

Papa Dom: Ano po sa tingin kung bakit nangyayari sa kanya ito?

Doctor: I don't know, ano po ba ang napapansin niyo sa kanya? Saan siya palaging nagpupunta? Drugs?

Mama Jackie: Mabait ang anak namin, wala po akong alam na pinupuntahan niya. Palagi lang siyang bahay, trabaho.

Doctor: May alam po ba kayo sa pamilya niyo na may history ng pagkabaliw?

     Nanahimik ang dalawa at nagtinginan.

Papa Dom: Namatay ang aking tiyahin sa pamamagitan ng pagbitay sa kanyang sarili, matagal na iyon.

Mama Jackie: Bankrupt siya diba?

Papa Dom: Sinabi lang iyon para patayin ang isyu ngunit ang sabi nila, ilang araw daw siyang nakakarinig ng mga boses.

Doctor: Ano daw ang sinasabi ng mga boses na ito?

Papa Dom: Hindi ko po alam doc, pero sabi ng tatay ko, sinabi daw sa kanya ng kanyang naririnig na patayin na lamang niya ang kanyang sarili ...and she did!



No comments:

Post a Comment