Wednesday, July 13, 2016

Jane

     Dahil sa nangyari, napabayaan ni Jane ang kanyang sarili at nanatili lang siya kanyang kuwarto, hindi kumakain at hindi naliligo ng ilang araw. Palagi niya ding nakikita ang kapitan sa kanyang tabi at sinasabihan siyang hindi niya kayang labanan ito. Ilang beses din siyang kinausap ng kanyang mga magulang ngunit ni isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig.

     Nagpatuloy ang pagiging tahimik ni Jane ng ilang araw. Dinalaw ulit siya ng kapitan.

Kapitan Reynaldo: Ano Jane, kaya mo pa ba? Hahaha!

Jane: Layuan mo ako!

Kapitan Reynaldo: Paano kita lalayuan eh nasa isip mo na ako?

Jane: Layuan mo ako!

Kapitan Reynaldo: Aswang ba kamo? Hahaha! Sino ba ang nagpapasok sa akin sa iyong isipan? Hindi ba ikaw?

Jane: Hindi ka totoo!

     Napansin at naririnig ng mga orderlies na maingay sa kwarto ni miss Jane kaya agad nilang tinawag ang doctor.

Doctor: Jane? What happen to you?

Jane: HIndi ka totoo!

Kapitan Reynaldo: Hahaha! Wala ka na magagawa Jane! Ano ngayon gagawin mo?

     Dahil sa patuloy na pagsigaw ni Jane hinawakan siya ng mga orderlies at tinurukan ng doctor ng pampakalma.
 
Jane: Hindi ka t......

     Nakatulog si Jane sa tinurok ng doctor sa kanyang pampakalma.

     Pagkalipas ng isang araw, nagising si Jane ng nakatali sa kanyang kama.

Jane: Tulong!Pakawalan niyo ako dito! Ma!? Pa!?

     Nakita naman ng kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya at walang ibang magawa ang kanyang ina kundi lumuha dahil nasasaktan siya sa kanyang nakikita.

Jackie: Doc, may iba pa bang paraan?

Doctor: Sa ngayon, yan muna ang kaya nating gawin. Kailangan niya din minsan ng support ng kanyang family para maiwasto at maibalik natin siya sa totoong buhay.

Jackie: Doc, pwede ko bang kausapin ang aking anak?

Doctor: Pwede po!

     Habang nasa labas ang kanyang ina ay kinakausap ulit siya ni Reynaldo.

Kapitan Reynaldo: May pag-asa ka pa bang bumalik sa  katinuan Jane?

Jane: Layuan mo ako parang awa mo na.

Habang papalapit ang kanyang ina ay nakita ni Jane na parang sasakalin ni Reynaldo ang kanyang ina.

Jane: Huwag mong gagawin yan!!!

Jackie: Ang alin anak?

Jane: Umalis ka dito ma! Sasakalin ka lang ng kapitan.

Jackie: Pero ikaw at ako lang ang nandito anak.

Jane: Please ma, umalis ka na lang dito para hindi ka na mapahamak!

Jackie: Anak, labanan mo itong nakikita mo, hindi siya totoo at alam kong alam mo na hindi din ito totoo. Mahal ka namin ng papa mo at tutulungan ka naming laban ito.

     Napaluha si Jane sa mensahe ng kanyang ina. Mayat maya ay biglang nagliwanag ang paligid. Dumating si Mang Darwin upang tulungan si Jane.

Mang Win (Darwin): Sorry Jane, nahuli ako!

     Pinigilan ni Mang Win si Kapitan Reynaldo at itinaboy ito hanggang sa hindi na makita ni Jane ang dalawa.

Jane: Salamat, Mang Darwin.

     Matapos niyang pasalamatan ni Jane si Mang Darwin ay nawalan ito ng malay. Nag-alala naman si Jackie sa nangyari sa kanyang anak.

Jackie: Jane? Jane? Jane! Doc!? Ano pong nangyari kay Jane?

Tuesday, July 5, 2016

Seclusion


     Nagpanic si Jane sa pagdating ng doctor sa kanyang bahay sa halip na isa sanang pari. Nagalit siya sa doctor at ipinagtabuyan niya ito. Nakita naman siya ng kanyang mga magulang habang ipinagtatabuyan niya ang doctor.

Jane: Go away! I don't need you!

    Sobrang dismayado si Jane sa pangyayari kaya wala nang magawa ang doctor kundi tawagin ang mga orderly.

Doctor: Orderlies, pakihawakan niyo si Miss Jane.

     Habang papalapit ang mga orderlies ay nanlaban si Jane.

Jane: Ano tingin niyo sa akin, nababaliw na? Dahil ba sa sinasabi kong nakikita kong aswang?

     Habang pilit siyang pigilan ng mga orderly ay nakita niya si Kapitan Reynaldo sa likod ng doctor.

Jane: Ayan oh! Yan ba ang sinasabi niyong nababaliw ako? Siya ang aswang! Ang kapitan ng barangay na ito.

     Tumingin ang doctos sa kanyang likuran ngunit wala siyang nakita.

Doctor: Wala akong nakikita sa aking likuran miss Jane.

Jane: Nandiyan lang siya, nakatitig lang siya sa akin! Please doc, how come na hindi niyo siya nakikita?

     Mayat maya ay nakita niya ang kapitan na nakangiti.

Jane: Hahaha! Masaya ka na? Ako lang ang nakakakita sa iyo? Papatayin kitang aswang ka!

     Napigilan din siya ng mga orderly at ipinaliban ng doctor ang pagiinject sana ng pampakalma kay Jane dahil kusa na siyang kumalma.

     Habang nasa labas naman ang mga magulang ni Jane na nakita ang lahat ng pangyayari. Sa kanyang nasaksihan ay naawa ang kanyang ina sa sinapit ng kanilang anak, wala siyang ibang magawa kundi umiyak at niyakap ang kanyang asawa ng mahigpit.

Mama Jackie:Magiging ayos pa kaya ang ating anak?

Papa Dom: Matapang na bata si Jane, lalabanan niya ito, kakayanin niya ito.

     Dahil sa naging ugali niya, inilagay si Jane sa isang kuwartong bakante at may malawak na ispasyo. Inilagay siya sa isang lugar na kanyang napanaginipan.

     Dahil sa nangyari, nilapitan ng mag-asawa ang doctor upang tanungin kung may magagawa pa sa kanilang anak.

Mama Jackie: Doc, ano po sa tingin niyo kay Jane?

Doctor: She is having delusions and hallucinations maam. medyo mahihirapan tayong ilagay siya sa reality pero we are trying our best para makabalik siya sa katinuan.

Papa Dom: Ano po sa tingin kung bakit nangyayari sa kanya ito?

Doctor: I don't know, ano po ba ang napapansin niyo sa kanya? Saan siya palaging nagpupunta? Drugs?

Mama Jackie: Mabait ang anak namin, wala po akong alam na pinupuntahan niya. Palagi lang siyang bahay, trabaho.

Doctor: May alam po ba kayo sa pamilya niyo na may history ng pagkabaliw?

     Nanahimik ang dalawa at nagtinginan.

Papa Dom: Namatay ang aking tiyahin sa pamamagitan ng pagbitay sa kanyang sarili, matagal na iyon.

Mama Jackie: Bankrupt siya diba?

Papa Dom: Sinabi lang iyon para patayin ang isyu ngunit ang sabi nila, ilang araw daw siyang nakakarinig ng mga boses.

Doctor: Ano daw ang sinasabi ng mga boses na ito?

Papa Dom: Hindi ko po alam doc, pero sabi ng tatay ko, sinabi daw sa kanya ng kanyang naririnig na patayin na lamang niya ang kanyang sarili ...and she did!